2 Mga Cronica 34

Sinabi pa niya sa hari, “May ibinigay po sa aking aklat si Hilkias na pari.” At binasa niya ito sa harapan ng hari.

2 Chronicles 34:18 (UKJV) Then Shaphan the scribe told the king, saying, Hilkiah the priest has given me a book. And Shaphan read it before the king.

16Dinala naman ito ni Safan sa hari at sinabi agad sa kanya, “Ginawa na po namin ang lahat ng ipinagawa nʼyo sa amin.

17Kinuha po namin ang pera sa Templo ng Panginoon at ibinigay sa mga tagapamahala at manggagawa.”

18Sinabi pa niya sa hari, “May ibinigay po sa aking aklat si Hilkias na pari.” At binasa niya ito sa harapan ng hari.

19Nang marinig ng hari ang nakasulat sa Kautusan, pinunit niya ang kanyang damit sa hinagpis.

20Nag-utos agad siya kina Hilkias, Ahikam na anak ni Safan, Abdon na anak ni Mica, Safan na kalihim, at Asaias na kanyang personal na lingkod. Sinabi niya,

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.