2 Mga Cronica 34

Nag-utos agad siya kina Hilkias, Ahikam na anak ni Safan, Abdon na anak ni Mica, Safan na kalihim, at Asaias na kanyang personal na lingkod. Sinabi niya,

2 Chronicles 34:20 (UKJV) And the king commanded Hilkiah, and Ahikam the son of Shaphan, and Abdon the son of Micah, and Shaphan the scribe, and Asaiah a servant of the king's, saying,

18Sinabi pa niya sa hari, “May ibinigay po sa aking aklat si Hilkias na pari.” At binasa niya ito sa harapan ng hari.

19Nang marinig ng hari ang nakasulat sa Kautusan, pinunit niya ang kanyang damit sa hinagpis.

20Nag-utos agad siya kina Hilkias, Ahikam na anak ni Safan, Abdon na anak ni Mica, Safan na kalihim, at Asaias na kanyang personal na lingkod. Sinabi niya,

21“Magtanong kayo sa Panginoon para sa akin at para sa mga naiwang mamamayan ng Israel at Juda tungkol sa nakasulat sa natagpuang aklat. Matindi ang galit ng Panginoon sa atin dahil hindi natupad ang mga nakasulat sa aklat.”

22Kaya pumunta si Hilkias at ang mga kasama niya sa isang propetang babae na si Hulda, na nakatira sa bagong bahagi ng Jerusalem. Si Hulda ay asawa ni Salum na anak ni Tokat at apo ni Hasra. Si Salum ang nagbabantay ng mga damit sa Templo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.