20Nag-utos agad siya kina Hilkias, Ahikam na anak ni Safan, Abdon na anak ni Mica, Safan na kalihim, at Asaias na kanyang personal na lingkod. Sinabi niya,
21“Magtanong kayo sa Panginoon para sa akin at para sa mga naiwang mamamayan ng Israel at Juda tungkol sa nakasulat sa natagpuang aklat. Matindi ang galit ng Panginoon sa atin dahil hindi natupad ang mga nakasulat sa aklat.”
22Kaya pumunta si Hilkias at ang mga kasama niya sa isang propetang babae na si Hulda, na nakatira sa bagong bahagi ng Jerusalem. Si Hulda ay asawa ni Salum na anak ni Tokat at apo ni Hasra. Si Salum ang nagbabantay ng mga damit sa Templo.
23Sinabi ni Hulda sa kanila, “Ito ang sinabi ng Panginoon, ang Diyos ng Israel! Sabihin nʼyo sa lalaking nagpadala sa inyo sa akin,
24‘ito ang sinabi ng Panginoon: Lilipulin ko ang lugar na ito at ang mga mamamayan nito, lahat ng mga sumpang nakasulat sa aklat na binasa sa harapan ng hari ng Juda ay mangyayari.