2 Mga Cronica 34

“Magtanong kayo sa Panginoon para sa akin at para sa mga naiwang mamamayan ng Israel at Juda tungkol sa nakasulat sa natagpuang aklat. Matindi ang galit ng Panginoon sa atin dahil hindi natupad ang mga nakasulat sa aklat.”

2 Chronicles 34:21 (UKJV) Go, enquire of the LORD for me, and for them that are left in Israel and in Judah, concerning the words of the book that is found: for great is the wrath of the LORD that is poured out upon us, because our fathers have not kept the word of the LORD, to do after all that is written in this book.

19Nang marinig ng hari ang nakasulat sa Kautusan, pinunit niya ang kanyang damit sa hinagpis.

20Nag-utos agad siya kina Hilkias, Ahikam na anak ni Safan, Abdon na anak ni Mica, Safan na kalihim, at Asaias na kanyang personal na lingkod. Sinabi niya,

21“Magtanong kayo sa Panginoon para sa akin at para sa mga naiwang mamamayan ng Israel at Juda tungkol sa nakasulat sa natagpuang aklat. Matindi ang galit ng Panginoon sa atin dahil hindi natupad ang mga nakasulat sa aklat.”

22Kaya pumunta si Hilkias at ang mga kasama niya sa isang propetang babae na si Hulda, na nakatira sa bagong bahagi ng Jerusalem. Si Hulda ay asawa ni Salum na anak ni Tokat at apo ni Hasra. Si Salum ang nagbabantay ng mga damit sa Templo.

23Sinabi ni Hulda sa kanila, “Ito ang sinabi ng Panginoon, ang Diyos ng Israel! Sabihin nʼyo sa lalaking nagpadala sa inyo sa akin,

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.