2 Mga Cronica 35

Pinana si Josias ng mga kalaban at nasugatan siya. Sinabi niya sa kanyang mga opisyal, “Ilayo nʼyo ako rito, dahil malubha ang sugat ko.”

2 Chronicles 35:23 (UKJV) And the archers shot at king Josiah; and the king said to his servants, Have me away; for I am sore wounded.

21Ngunit nagsugo si Neco ng mga mensahero kay Josias at sinabi, “Ano ang pakialam natin sa isaʼt isa, Haring Josias? Hindi ikaw ang nilulusob ko kundi ang bansang nakikipaglaban sa akin. At sinabi ng Diyos sa akin na bilisan ko ang paglusob. Kasama ko ang Diyos, kaya huwag mo akong kalabanin, dahil baka wasakin ka niya.”

22Ngunit hindi nagbago ng isip si Josias. Ipinasya niyang lumaban. Hindi siya naniwala sa sinabi ng Diyos sa pamamagitan ni Neco. Sa halip, nagbalat-kayo siya at umalis upang labanan si Neco sa kapatagan ng Megido.

23Pinana si Josias ng mga kalaban at nasugatan siya. Sinabi niya sa kanyang mga opisyal, “Ilayo nʼyo ako rito, dahil malubha ang sugat ko.”

24Kaya kinuha nila siya at inilipat sa isa pa niyang karwahe at dinala sa Jerusalem. Namatay siya roon at inilibing sa libingan ng mga ninuno niya. Nagluksa para sa kanya ang lahat ng mamamayan ng Juda at Jerusalem.

25Gumawa si Jeremias ng mga awit ng pagluluksa para kay Josias, at hanggang ngayon inaawit ito ng mga mang-aawit sa pag-alaala sa kanya. Ang mga awit ng pagluluksa ay palaging inaawit sa Israel, at nakasulat sa Aklat ng mga Pagluluksa.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.