9Si Jehoiakin ay labingwalong taóng gulang nang maging hari. Naghari siya sa Jerusalem sa loob ng tatlong buwan at sampung araw. Masama ang ginawa niya sa paningin ng Panginoon.
10Sa pagsisimula ng taon, binihag ni Haring Nebucadnezar si Jehoiakin sa Babilonia. Pinagkukuha niya ang mga mamahaling ari-arian sa Templo ng Panginoon, at ginawa niyang hari ng Juda at Jerusalem ang tiyuhin ni Jehoiakin na si Zedequias.
11Si Zedequias ay dalawampuʼt isang taóng gulang nang maging hari. Naghari siya sa Jerusalem sa loob ng labing-isang taon.
12Masama ang ginawa niya sa paningin ng Panginoon na kanyang Diyos at hindi siya nagpakumbaba kay Jeremias na propeta ng Panginoon.
13Nagrebelde rin siya kay Haring Nebucadnezar, kahit pinanumpa siya nito sa pangalan ng Diyos. Naging matigas ang puso ni Zedequias, at ayaw niyang manumbalik sa Panginoon, ang Diyos ng Israel.