2 Mga Cronica 36

Sa pagsisimula ng taon, binihag ni Haring Nebucadnezar si Jehoiakin sa Babilonia. Pinagkukuha niya ang mga mamahaling ari-arian sa Templo ng Panginoon, at ginawa niyang hari ng Juda at Jerusalem ang tiyuhin ni Jehoiakin na si Zedequias.

2 Chronicles 36:10 (UKJV) And when the year was expired, king Nebuchadnezzar sent, and brought him to Babylon, with the goodly vessels of the house of the LORD, and made Zedekiah his brother king over Judah and Jerusalem.

8Ang ibang mga salaysay tungkol sa paghahari ni Jehoiakim at ang mga kasuklam-suklam at masasamang bagay na ginawa niya ay nakasulat sa Aklat ng Kasaysayan ng mga hari ng Israel at Juda. At ang anak niyang si Jehoiakin ang pumalit sa kanya bilang hari.

9Si Jehoiakin ay labingwalong taóng gulang nang maging hari. Naghari siya sa Jerusalem sa loob ng tatlong buwan at sampung araw. Masama ang ginawa niya sa paningin ng Panginoon.

10Sa pagsisimula ng taon, binihag ni Haring Nebucadnezar si Jehoiakin sa Babilonia. Pinagkukuha niya ang mga mamahaling ari-arian sa Templo ng Panginoon, at ginawa niyang hari ng Juda at Jerusalem ang tiyuhin ni Jehoiakin na si Zedequias.

11Si Zedequias ay dalawampuʼt isang taóng gulang nang maging hari. Naghari siya sa Jerusalem sa loob ng labing-isang taon.

12Masama ang ginawa niya sa paningin ng Panginoon na kanyang Diyos at hindi siya nagpakumbaba kay Jeremias na propeta ng Panginoon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.