2 Mga Cronica 36

Si Jehoahaz ay dalawampuʼt tatlong taóng gulang nang maging hari. Naghari siya sa Jerusalem sa loob ng tatlong buwan.

2 Chronicles 36:2 (UKJV) Jehoahaz was twenty and three years old when he began to reign, and he reigned three months in Jerusalem.

1Ang anak ni Josias na si Jehoahaz ang ipinalit ng mga tao na hari sa Jerusalem.

2Si Jehoahaz ay dalawampuʼt tatlong taóng gulang nang maging hari. Naghari siya sa Jerusalem sa loob ng tatlong buwan.

3Tinanggal siya sa kanyang trono ni Haring Neco ng Ehipto, at pinagbayad ni Neco ang mga taga-Juda ng buwis na 3,500 kilong pilak at tatlumpuʼt limang kilong ginto.

4Dinalang bihag ni Neco si Jehoahaz sa Ehipto, at ginawa niyang hari ng Juda at Jerusalem si Eliakim na kapatid ni Jehoahaz. Pinalitan niya ang pangalan ni Eliakim na Jehoiakim.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.