1Ang anak ni Josias na si Jehoahaz ang ipinalit ng mga tao na hari sa Jerusalem.
2Si Jehoahaz ay dalawampuʼt tatlong taóng gulang nang maging hari. Naghari siya sa Jerusalem sa loob ng tatlong buwan.
3Tinanggal siya sa kanyang trono ni Haring Neco ng Ehipto, at pinagbayad ni Neco ang mga taga-Juda ng buwis na 3,500 kilong pilak at tatlumpuʼt limang kilong ginto.
4Dinalang bihag ni Neco si Jehoahaz sa Ehipto, at ginawa niyang hari ng Juda at Jerusalem si Eliakim na kapatid ni Jehoahaz. Pinalitan niya ang pangalan ni Eliakim na Jehoiakim.
5Si Jehoiakim ay dalawampuʼt limang taóng gulang nang maging hari. Naghari siya sa Jerusalem sa loob ng labing-isang taon. Masama ang ginawa niya sa paningin ng Panginoon na kanyang Diyos.