2 Mga Cronica 36

Si Jehoiakim ay dalawampuʼt limang taóng gulang nang maging hari. Naghari siya sa Jerusalem sa loob ng labing-isang taon. Masama ang ginawa niya sa paningin ng Panginoon na kanyang Diyos.

2 Chronicles 36:5 (UKJV) Jehoiakim was twenty and five years old when he began to reign, and he reigned eleven years in Jerusalem: and he did that which was evil in the sight of the LORD his God.

3Tinanggal siya sa kanyang trono ni Haring Neco ng Ehipto, at pinagbayad ni Neco ang mga taga-Juda ng buwis na 3,500 kilong pilak at tatlumpuʼt limang kilong ginto.

4Dinalang bihag ni Neco si Jehoahaz sa Ehipto, at ginawa niyang hari ng Juda at Jerusalem si Eliakim na kapatid ni Jehoahaz. Pinalitan niya ang pangalan ni Eliakim na Jehoiakim.

5Si Jehoiakim ay dalawampuʼt limang taóng gulang nang maging hari. Naghari siya sa Jerusalem sa loob ng labing-isang taon. Masama ang ginawa niya sa paningin ng Panginoon na kanyang Diyos.

6Nilusob siya ni Haring Nebucadnezar ng Babilonia at kinadenahan, at dinala sa Babilonia.

7Dinala rin ni Nebucadnezar sa Babilonia ang ibang mga kagamitan ng Templo ng Panginoon at inilagay sa kanyang palasyo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.