2 Mga Cronica 36

Nilusob siya ni Haring Nebucadnezar ng Babilonia at kinadenahan, at dinala sa Babilonia.

2 Chronicles 36:6 (UKJV) Against him came up Nebuchadnezzar king of Babylon, and bound him in fetters, to carry him to Babylon.

4Dinalang bihag ni Neco si Jehoahaz sa Ehipto, at ginawa niyang hari ng Juda at Jerusalem si Eliakim na kapatid ni Jehoahaz. Pinalitan niya ang pangalan ni Eliakim na Jehoiakim.

5Si Jehoiakim ay dalawampuʼt limang taóng gulang nang maging hari. Naghari siya sa Jerusalem sa loob ng labing-isang taon. Masama ang ginawa niya sa paningin ng Panginoon na kanyang Diyos.

6Nilusob siya ni Haring Nebucadnezar ng Babilonia at kinadenahan, at dinala sa Babilonia.

7Dinala rin ni Nebucadnezar sa Babilonia ang ibang mga kagamitan ng Templo ng Panginoon at inilagay sa kanyang palasyo.

8Ang ibang mga salaysay tungkol sa paghahari ni Jehoiakim at ang mga kasuklam-suklam at masasamang bagay na ginawa niya ay nakasulat sa Aklat ng Kasaysayan ng mga hari ng Israel at Juda. At ang anak niyang si Jehoiakin ang pumalit sa kanya bilang hari.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.