2 Mga Cronica 36

Ito ang mensahe ni Haring Ciro ng Persia: “Ibinigay sa akin ng Panginoon, ang Diyos ng langit, ang lahat ng kaharian dito sa mundo, at ipinagkatiwala niya sa akin ang pagpapatayo ng Templo para sa kanya roon sa Jerusalem na sakop ng Juda. Kayong lahat ng mamamayan ng Diyos, bumalik na kayo sa inyong lupain. At nawaʼy samahan kayo ng Panginoon.”

2 Chronicles 36:23 (UKJV) Thus says Cyrus king of Persia, All the kingdoms of the earth has the LORD God of heaven given me; and he has charged me to build him an house in Jerusalem, which is in Judah. Who is there among you of all his people? The LORD his God be with him, and let him go up.

21Kaya natupad ang sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ni Propeta Jeremias, na magiging mapanglaw ang lupain at makakapagpahinga ito sa loob ng pitumpung taon.

22Noong unang taon ng paghahari ni Ciro sa Persia, tinupad ng Panginoon ang sinabi niya sa pamamagitan ni Jeremias. Hinipo niya ang puso ni Ciro upang gumawa ng isang pahayag. Isinulat ito at ipinadala sa kanyang buong kaharian.

23Ito ang mensahe ni Haring Ciro ng Persia: “Ibinigay sa akin ng Panginoon, ang Diyos ng langit, ang lahat ng kaharian dito sa mundo, at ipinagkatiwala niya sa akin ang pagpapatayo ng Templo para sa kanya roon sa Jerusalem na sakop ng Juda. Kayong lahat ng mamamayan ng Diyos, bumalik na kayo sa inyong lupain. At nawaʼy samahan kayo ng Panginoon.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.