10Inilagay niya ang malaking sisidlan sa gawing timog-silangan ng Templo.
11Nagpagawa rin siya ng mga palayok, mga pala, at mga mangkok na ginagamit na pangwisik. Natapos ni Huram ang lahat ng ipinagawa sa kanya ni Haring Solomon para sa Templo ng Diyos. Ito ang kanyang mga ginawa:
12ang dalawang haligi; ang dalawang parang mangkok na ulo ng mga haligi; ang dalawang magkadugtong na mga kadenang palamuti sa ulo ng mga haligi;
13ang apatnaraang palamuting korteng pomegranata (nakakabit ang dalawang hilera nito sa bawat magkadugtong na mga kadenang nakapaikot sa ulo ng mga haligi);
14ang mga kariton at mga planggana;