12ang dalawang haligi; ang dalawang parang mangkok na ulo ng mga haligi; ang dalawang magkadugtong na mga kadenang palamuti sa ulo ng mga haligi;
13ang apatnaraang palamuting korteng pomegranata (nakakabit ang dalawang hilera nito sa bawat magkadugtong na mga kadenang nakapaikot sa ulo ng mga haligi);
14ang mga kariton at mga planggana;
15ang malaking sisidlan na tinatawag na Dagat at ang labindalawang toro sa ilalim nito;
16ang mga palayok, mga pala, malalaking tinidor para sa karne, at ang iba pang kagamitan. Ang lahat ng ito na ipinagawa ni Haring Solomon kay Huram na para sa Templo ng Panginoon ay gawa lahat sa pinakinang na tanso.