2 Mga Cronica 4

Ipinagawa ang mga ito ni Haring Solomon sa pamamagitan ng hulmahan na nasa Kapatagan ng Jordan, sa pagitan ng Sucot at Zereda.

2 Chronicles 4:17 (UKJV) In the plain of Jordan did the king cast them, in the clay ground between Succoth and Zeredathah.

15ang malaking sisidlan na tinatawag na Dagat at ang labindalawang toro sa ilalim nito;

16ang mga palayok, mga pala, malalaking tinidor para sa karne, at ang iba pang kagamitan. Ang lahat ng ito na ipinagawa ni Haring Solomon kay Huram na para sa Templo ng Panginoon ay gawa lahat sa pinakinang na tanso.

17Ipinagawa ang mga ito ni Haring Solomon sa pamamagitan ng hulmahan na nasa Kapatagan ng Jordan, sa pagitan ng Sucot at Zereda.

18Napakaraming tanso ang ginamit ni Solomon kaya hindi na kayang alamin ang eksaktong timbang nito.

19Nagpagawa rin si Solomon ng mga kagamitang ito para sa Templo ng Diyos: ang gintong altar, ang mga gintong mesa na pinaglalagyan ng tinapay na inihahandog sa presensya ng Diyos,

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.