16ang mga palayok, mga pala, malalaking tinidor para sa karne, at ang iba pang kagamitan. Ang lahat ng ito na ipinagawa ni Haring Solomon kay Huram na para sa Templo ng Panginoon ay gawa lahat sa pinakinang na tanso.
17Ipinagawa ang mga ito ni Haring Solomon sa pamamagitan ng hulmahan na nasa Kapatagan ng Jordan, sa pagitan ng Sucot at Zereda.
18Napakaraming tanso ang ginamit ni Solomon kaya hindi na kayang alamin ang eksaktong timbang nito.
19Nagpagawa rin si Solomon ng mga kagamitang ito para sa Templo ng Diyos: ang gintong altar, ang mga gintong mesa na pinaglalagyan ng tinapay na inihahandog sa presensya ng Diyos,
20ang mga patungan ng ilaw na purong ginto at ang mga ilawan nito na sinisindihan sa harapan ng Pinakabanal na Lugar ayon sa tuntunin tungkol dito,