2 Mga Cronica 6

Pakinggan nʼyo po ang mga kahilingan ko at ng mga mamamayan nʼyo kapag silaʼy nanalangin na nakaharap sa lugar na ito. Pakinggan nʼyo kami diyan sa inyong luklukan sa langit. At kung marinig nʼyo kami, patawarin nʼyo po kami.

2 Chronicles 6:21 (UKJV) Hearken therefore unto the supplications of your servant, and of your people Israel, which they shall make toward this place: hear you from your dwelling place, even from heaven; and when you hear, forgive.

19Ngunit pakinggan ninyo ako na inyong lingkod sa aking pananalangin at pagsusumamo, O Panginoon na aking Diyos. Pakinggan nʼyo ang panawagan at pananalangin ko sa inyong presensya.

20Ingatan nʼyo po sana ang Templong ito araw at gabi, ang lugar na sinabi nʼyong kayoʼy pararangalan. Pakinggan nʼyo po sana ako na inyong lingkod sa aking pananalangin sa harap ng altar na ito.

21Pakinggan nʼyo po ang mga kahilingan ko at ng mga mamamayan nʼyo kapag silaʼy nanalangin na nakaharap sa lugar na ito. Pakinggan nʼyo kami diyan sa inyong luklukan sa langit. At kung marinig nʼyo kami, patawarin nʼyo po kami.

22“Kung ang isang tao ay pinagbintangang nagkasala sa kanyang kapwa, at pinapunta siya sa inyong altar sa Templo na ito upang sumumpa na inosente siya,

23dinggin nʼyo po ito diyan sa langit at husgahan ang inyong mga lingkod, ang nagbintang at ang pinagbintangan. Parusahan nʼyo po ang nagkasala ayon sa kanyang ginawa at palayain ang walang sala para mahayag na inosente siya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.