2 Mga Cronica 6

Ngunit pakinggan ninyo ako na inyong lingkod sa aking pananalangin at pagsusumamo, O Panginoon na aking Diyos. Pakinggan nʼyo ang panawagan at pananalangin ko sa inyong presensya.

2 Chronicles 6:19 (UKJV) Have respect therefore to the prayer of your servant, and to his supplication, O LORD my God, to hearken unto the cry and the prayer which your servant prays before you:

17Kaya ngayon, Panginoon, Diyos ng Israel, tuparin nʼyo po ang ipinangako ninyo sa lingkod ninyong si David na aking ama.

18“Ngunit makakatira nga po ba kayo, O Diyos, sa mundo kasama ng mga tao? Hindi nga kayo magkakasya kahit sa pinakamataas na langit, ano pa kaya kung sa Templo na ipinatayo ko?

19Ngunit pakinggan ninyo ako na inyong lingkod sa aking pananalangin at pagsusumamo, O Panginoon na aking Diyos. Pakinggan nʼyo ang panawagan at pananalangin ko sa inyong presensya.

20Ingatan nʼyo po sana ang Templong ito araw at gabi, ang lugar na sinabi nʼyong kayoʼy pararangalan. Pakinggan nʼyo po sana ako na inyong lingkod sa aking pananalangin sa harap ng altar na ito.

21Pakinggan nʼyo po ang mga kahilingan ko at ng mga mamamayan nʼyo kapag silaʼy nanalangin na nakaharap sa lugar na ito. Pakinggan nʼyo kami diyan sa inyong luklukan sa langit. At kung marinig nʼyo kami, patawarin nʼyo po kami.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.