2 Mga Cronica 6

Kaya ngayon, Panginoon, Diyos ng Israel, tuparin nʼyo po ang ipinangako ninyo sa lingkod ninyong si David na aking ama.

2 Chronicles 6:17 (UKJV) Now then, O LORD God of Israel, let your word be verified, which you have spoken unto your servant David.

15Tinupad nʼyo ang inyong ipinangako sa aking amang si David na inyong lingkod. Kayo po ang nangako at kayo rin ang tumupad sa araw na ito.

16“At ngayon, Panginoon, Diyos ng Israel, tuparin nʼyo po ang inyong ipinangako sa inyong lingkod na si David na aking ama nang sinabi nʼyo po sa kanya, ‘Laging sa angkan mo magmumula ang maghahari sa Israel kung matapat na susunod sa aking mga Kautusan ang iyong mga angkan, tulad ng iyong ginawa.’

17Kaya ngayon, Panginoon, Diyos ng Israel, tuparin nʼyo po ang ipinangako ninyo sa lingkod ninyong si David na aking ama.

18“Ngunit makakatira nga po ba kayo, O Diyos, sa mundo kasama ng mga tao? Hindi nga kayo magkakasya kahit sa pinakamataas na langit, ano pa kaya kung sa Templo na ipinatayo ko?

19Ngunit pakinggan ninyo ako na inyong lingkod sa aking pananalangin at pagsusumamo, O Panginoon na aking Diyos. Pakinggan nʼyo ang panawagan at pananalangin ko sa inyong presensya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.