5‘Mula nang araw na inilabas ko ang mga mamamayan kong Israelita sa Ehipto, hindi ako pumili ng lungsod sa kahit anong lahi ng Israel upang pagtayuan ng templo sa pagpaparangal sa akin, at hindi rin ako pumili ng haring mamamahala sa mga mamamayan kong Israelita.
6Ngunit pinili ko ang Jerusalem upang doon pararangalan ang aking pangalan, at pinili ko si David upang mamahala sa mga mamamayan kong Israelita.’
7“Nasa puso ng aking amang si David na magtayo ng templo sa pagpaparangal sa Panginoon, ang Diyos ng Israel.
8Ngunit sinabi sa kanya ng Panginoon, ‘Mabuti na naghahangad kang magpatayo ng templo para sa karangalan ng aking pangalan.
9Ngunit hindi ikaw ang magtatayo nito kundi ang sarili mong anak. Siya ang magtatayo ng templo para sa kaluwalhatian ng aking pangalan.’