7“Nasa puso ng aking amang si David na magtayo ng templo sa pagpaparangal sa Panginoon, ang Diyos ng Israel.
8Ngunit sinabi sa kanya ng Panginoon, ‘Mabuti na naghahangad kang magpatayo ng templo para sa karangalan ng aking pangalan.
9Ngunit hindi ikaw ang magtatayo nito kundi ang sarili mong anak. Siya ang magtatayo ng templo para sa kaluwalhatian ng aking pangalan.’
10“Tinupad ng Panginoon ang kanyang pangako. Ako ang pumalit sa aking amang si David bilang hari ng Israel, ayon sa pangako ng Panginoon. At ipinatayo ko ang Templo upang parangalan ang Panginoon, ang Diyos ng Israel.
11Nagpagawa ako ng lugar doon sa Templo para sa Kahon kung saan nakalagay ang Kasunduan ng Panginoon na kanyang ginawa sa mamamayan ng Israel.”