11Nang matapos ni Solomon ang pagpapatayo ng Templo ng Panginoon at ng kanyang palasyo. Natapos niya ang lahat ng binalak niya para rito.
12At isang gabi, nagpakita sa kanya ang Panginoon at sinabi, “Narinig ko ang panalangin mo at pinili ko ang Templong ito na lugar upang pag-aalayan ng mga handog.
13“Halimbawang hindi ko paulanin, o kaya namaʼy magpadala ako ng mga balang sa lupa na kakain ng mga tanim, o magpadala ako ng salot sa aking mga mamamayan;
14at kung ang mga mamamayan ko na aking tinawag ay magpakumbaba, manalangin, dumulog sa akin, at tumalikod sa ginagawa nilang kasamaan, diringgin ko sila mula sa langit at patatawarin ang kanilang kasalanan, at pagpapalain kong muli ang kanilang lupain.
15Papansinin ko sila at pakikinggan ang kanilang mga panalangin sa lugar na ito,