2 Mga Cronica 7

At isang gabi, nagpakita sa kanya ang Panginoon at sinabi, “Narinig ko ang panalangin mo at pinili ko ang Templong ito na lugar upang pag-aalayan ng mga handog.

2 Chronicles 7:12 (UKJV) And the LORD appeared to Solomon by night, and said unto him, I have heard your prayer, and have chosen this place to myself for an house of sacrifice.

10Kinabukasan, na siyang ikadalawampuʼt tatlong araw ng ikapitong buwan, pinauwi ni Solomon ang mga tao. Umuwi silang may kagalakan dahil sa lahat ng kabutihang ginawa ng Panginoon kay David at kay Solomon, at sa mga mamamayan niyang Israelita.

11Nang matapos ni Solomon ang pagpapatayo ng Templo ng Panginoon at ng kanyang palasyo. Natapos niya ang lahat ng binalak niya para rito.

12At isang gabi, nagpakita sa kanya ang Panginoon at sinabi, “Narinig ko ang panalangin mo at pinili ko ang Templong ito na lugar upang pag-aalayan ng mga handog.

13“Halimbawang hindi ko paulanin, o kaya namaʼy magpadala ako ng mga balang sa lupa na kakain ng mga tanim, o magpadala ako ng salot sa aking mga mamamayan;

14at kung ang mga mamamayan ko na aking tinawag ay magpakumbaba, manalangin, dumulog sa akin, at tumalikod sa ginagawa nilang kasamaan, diringgin ko sila mula sa langit at patatawarin ang kanilang kasalanan, at pagpapalain kong muli ang kanilang lupain.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.