8Nagdiwang pa si Solomon at ang lahat ng mga Israelita ng Pista ng Pagtatayo ng mga Kubol ng pitong araw. Napakarami ng mga mamamayan na nagtipon mula sa Lebo-hamat sa gawing hilaga hanggang sa Lambak ng Ehipto sa gawing timog.
9Nang ikawalong araw, ginanap nila ang huling pagtitipon, dahil ipinagdiwang nila ang pagtatalaga ng altar nang pitong araw at ng Pista ng Pagtatayo ng mga Kubol nang pito ring araw.
10Kinabukasan, na siyang ikadalawampuʼt tatlong araw ng ikapitong buwan, pinauwi ni Solomon ang mga tao. Umuwi silang may kagalakan dahil sa lahat ng kabutihang ginawa ng Panginoon kay David at kay Solomon, at sa mga mamamayan niyang Israelita.
11Nang matapos ni Solomon ang pagpapatayo ng Templo ng Panginoon at ng kanyang palasyo. Natapos niya ang lahat ng binalak niya para rito.
12At isang gabi, nagpakita sa kanya ang Panginoon at sinabi, “Narinig ko ang panalangin mo at pinili ko ang Templong ito na lugar upang pag-aalayan ng mga handog.