2 Mga Cronica 7

Nang ikawalong araw, ginanap nila ang huling pagtitipon, dahil ipinagdiwang nila ang pagtatalaga ng altar nang pitong araw at ng Pista ng Pagtatayo ng mga Kubol nang pito ring araw.

2 Chronicles 7:9 (UKJV) And in the eighth day they made a solemn assembly: for they kept the dedication of the altar seven days, and the feast seven days.

7Itinalaga ni Solomon ang bakuran sa harap ng Templo ng Panginoon upang roon mag-alay ng mga handog na sinusunog, mga handog bilang pagpaparangal sa Panginoon, at mga taba bilang handog pangkapayapaan. Dahil ang tansong altar na ipinagawa niya ay hindi kakasya para sa mga handog na ito.

8Nagdiwang pa si Solomon at ang lahat ng mga Israelita ng Pista ng Pagtatayo ng mga Kubol ng pitong araw. Napakarami ng mga mamamayan na nagtipon mula sa Lebo-hamat sa gawing hilaga hanggang sa Lambak ng Ehipto sa gawing timog.

9Nang ikawalong araw, ginanap nila ang huling pagtitipon, dahil ipinagdiwang nila ang pagtatalaga ng altar nang pitong araw at ng Pista ng Pagtatayo ng mga Kubol nang pito ring araw.

10Kinabukasan, na siyang ikadalawampuʼt tatlong araw ng ikapitong buwan, pinauwi ni Solomon ang mga tao. Umuwi silang may kagalakan dahil sa lahat ng kabutihang ginawa ng Panginoon kay David at kay Solomon, at sa mga mamamayan niyang Israelita.

11Nang matapos ni Solomon ang pagpapatayo ng Templo ng Panginoon at ng kanyang palasyo. Natapos niya ang lahat ng binalak niya para rito.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.