19“Ngunit kung tatalikod kayo at hindi tutuparin ang aking mga utos at mga tuntunin na ibinigay ko sa inyo, at kung maglilingkod at sasamba kayo sa ibang mga diyos,
20palalayasin ko kayo sa lupain na ibinigay ko sa inyo, at itatakwil ko ang Templong ito na pinili kong lugar para sa karangalan ng aking pangalan. At itoʼy kukutyain at pagtatawanan ng lahat ng tao.
21At kahit maganda at tanyag ang Templong ito ngayon, magtataka ang lahat ng daraan dito at magsasabi, ‘Bakit ginawa ito ng Panginoon sa lupain at sa Templong ito?’
22Sasagot ang iba, ‘Dahil itinakwil nila ang Panginoon, ang Diyos ng kanilang mga ninuno, na naglabas sa kanila sa Ehipto, at naglingkod sila at sumamba sa ibang mga diyos. Iyan ang dahilan kung bakit pinadalhan sila ng Panginoon ng mga kasamaang ito.’ ”