4Pagkatapos, naghandog ang hari at ang lahat ng mamamayan sa Panginoon.
5Naghandog sila ng 22,000 baka at 120,000 tupaʼt kambing. Sa ganitong paraan itinalaga ni Haring Solomon at ng mga mamamayan ang Templo ng Panginoon.
6Pumwesto na ang mga pari, at ganoon din ang mga Levita na umaawit, “Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan.” Tinutugtog nila ang awit gamit ang mga instrumento na ipinagawa ni Haring David sa pagpupuri sa Panginoon. Sa harap ng mga Levita, ang mga pari ay nagpapatunog din ng mga trumpeta nila habang nakatayo ang lahat ng mga Israelita.
7Itinalaga ni Solomon ang bakuran sa harap ng Templo ng Panginoon upang roon mag-alay ng mga handog na sinusunog, mga handog bilang pagpaparangal sa Panginoon, at mga taba bilang handog pangkapayapaan. Dahil ang tansong altar na ipinagawa niya ay hindi kakasya para sa mga handog na ito.
8Nagdiwang pa si Solomon at ang lahat ng mga Israelita ng Pista ng Pagtatayo ng mga Kubol ng pitong araw. Napakarami ng mga mamamayan na nagtipon mula sa Lebo-hamat sa gawing hilaga hanggang sa Lambak ng Ehipto sa gawing timog.