16Nagpagawa rin siya ng tatlong daang maliliit na pananggalang na ang bawat isa ay nababalutan ng mga tatlo at kalahating kilong ginto. Ipinalagay niya itong lahat sa bahagi ng palasyo na tinatawag na Kagubatan ng Lebanon.
17Nagpagawa rin ang hari ng isang malaking trono na gawa sa mga pangil ng elepante, at binalutan ito ng purong ginto.
18May anim na baitang ang trono, at may tuntungan ito ng paa na ginto. Sa bawat gilid nito ay may estatwang leon na nakatayo.
19At mayroon ding estatwa ng leon sa bawat gilid ng baitang. Ang estatwang leon sa anim na baitang ay labindalawa lahat. Walang trono na katulad nito kahit saan mang kaharian.
20Ang lahat ng kopa ni Haring Solomon ay purong ginto, at ang lahat ng gamit sa bahagi ng palasyo na tinatawag na Kagubatan ng Lebanon ay purong ginto rin. Hindi ginawa ang mga ito sa pilak dahil maliit lang ang halaga nito noong panahon ni Solomon.