2 Mga Taga-Corinto 1

Binalak kong dumaan diyan kapag pupunta ako sa Macedonia, at sa pagbalik ko mula roon, muli akong dadaan sa inyo upang matulungan ninyo ako sa aking paglalakbay papuntang Judea.

2 Corinthians 1:16 (UKJV) And to pass by you into Macedonia, and to come again out of Macedonia unto you, and of you to be brought on my way toward Judaea.

15Dahil sa tiwalang ito, binalak kong bisitahin muna kayo upang makatanggap kayo ng dobleng pagpapala sa pagbisita ko.

16Binalak kong dumaan diyan kapag pupunta ako sa Macedonia, at sa pagbalik ko mula roon, muli akong dadaan sa inyo upang matulungan ninyo ako sa aking paglalakbay papuntang Judea.

17Iyon sana ang balak ko ngunit nabago ito. Ang ibig bang sabihin nitoʼy pabago-bago ang isip ko? Katulad din ba ako ng mga taong makamundo na “Oo” nang “Oo,” ngunit “Hindi” naman pala ang ibig sabihin?

18Kung paanong tapat ang Diyos, ganoon din naman kami sa aming mga sinasabi.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.