13Sapagkat wala kaming isinusulat sa inyo na hindi ninyo mabasa o maintindihan. Kahit na hindi pa ninyo kami kilalang mabuti, umaasa akong darating ang araw na makikilala nʼyo kami nang lubusan, at nang maipagmalaki ninyo kami sa araw ng Panginoong Hesus, at maipagmamalaki rin namin kayo.
15Dahil sa tiwalang ito, binalak kong bisitahin muna kayo upang makatanggap kayo ng dobleng pagpapala sa pagbisita ko.
16Binalak kong dumaan diyan kapag pupunta ako sa Macedonia, at sa pagbalik ko mula roon, muli akong dadaan sa inyo upang matulungan ninyo ako sa aking paglalakbay papuntang Judea.
17Iyon sana ang balak ko ngunit nabago ito. Ang ibig bang sabihin nitoʼy pabago-bago ang isip ko? Katulad din ba ako ng mga taong makamundo na “Oo” nang “Oo,” ngunit “Hindi” naman pala ang ibig sabihin?