2 Mga Taga-Corinto 1

at tinatakan niya tayo bilang tanda na tayoʼy kanya. Inilagay niya ang kanyang Espiritu sa ating mga puso na nagsisilbing katibayan na matatanggap natin ang kanyang mga ipinangako.

2 Corinthians 1:22 (UKJV) Who has also sealed us, and given the earn of the Spirit in our hearts.

20Sapagkat kahit gaano man karami ang pangako ng Diyos, tutuparin niyang lahat ito sa pamamagitan ni Kristo. Kaya nga masasabi natin na tapat ang Diyos, at itoʼy nakapagbibigay ng kapurihan sa kanya.

21Ang Diyos ang nagpapatibay sa atin, at sa ating pakikipag-isa kay Kristo. Pinili niya tayo,

22at tinatakan niya tayo bilang tanda na tayoʼy kanya. Inilagay niya ang kanyang Espiritu sa ating mga puso na nagsisilbing katibayan na matatanggap natin ang kanyang mga ipinangako.

23Saksi ko ang Diyos, alam niya ang laman ng aking puso. Hindi muna ako pumunta diyan sa Corinto sapagkat kayo rin ang inaalala ko.

24Ayaw naming diktahan kayo sa inyong pananampalataya dahil matatag na kayo diyan. Nais lamang naming magkatulungan tayo upang maging masaya kayo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.