2 Mga Taga-Corinto 1

Ang akala namin noon ay katapusan na namin. Ngunit nangyari ang lahat ng iyon upang matuto kami na huwag magtiwala sa aming sarili kundi sa Diyos na siyang bumubuhay ng mga patay.

2 Corinthians 1:9 (UKJV) But we had the sentence of death in ourselves, that we should not trust in ourselves, but in God which raises the dead:

7Kaya malaki ang aming pag-asa para sa inyo, dahil alam namin na kung naghihirap kayo tulad namin, palalakasin din ng Diyos ang inyong loob tulad ng sa amin.

8Mga kapatid, gusto naming malaman ninyo ang mga paghihirap na dinanas namin sa lalawigan ng Asia. Napakabigat ng mga dinanas namin doon, halos hindi na namin nakayanan at nawalan na kami ng pag-asang mabuhay pa.

9Ang akala namin noon ay katapusan na namin. Ngunit nangyari ang lahat ng iyon upang matuto kami na huwag magtiwala sa aming sarili kundi sa Diyos na siyang bumubuhay ng mga patay.

10Iniligtas niya kami sa malagim na kamatayan, at patuloy niya kaming ililigtas. At umaasa kami na patuloy niyang gagawin ito

11sa tulong ng inyong mga panalangin. Sa ganoon, marami ang magpapasalamat sa Diyos dahil sa mga pagpapalang tatanggapin namin mula sa kanya bilang sagot sa mga panalangin ng nakararami.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.