2 Mga Taga-Corinto 1

Kaya malaki ang aming pag-asa para sa inyo, dahil alam namin na kung naghihirap kayo tulad namin, palalakasin din ng Diyos ang inyong loob tulad ng sa amin.

2 Corinthians 1:7 (UKJV) And our hope of you is steadfast, knowing, that as all of you are partakers of the sufferings, so shall all of you be also of the consolation.

5Sapagkat kung gaano karami ang mga paghihirap natin dahil kay Kristo, ganoon din karaming beses niyang pinalalakas ang ating loob.

6Kung naghihirap man kami, itoʼy upang mapalakas ang inyong loob, at upang kayoʼy maligtas. At kung pinalakas man ng Diyos ang aming loob, itoʼy upang mapalakas din ang loob ninyo, nang sa ganoon ay makayanan ninyo ang mga paghihirap na tulad ng dinaranas namin.

7Kaya malaki ang aming pag-asa para sa inyo, dahil alam namin na kung naghihirap kayo tulad namin, palalakasin din ng Diyos ang inyong loob tulad ng sa amin.

8Mga kapatid, gusto naming malaman ninyo ang mga paghihirap na dinanas namin sa lalawigan ng Asia. Napakabigat ng mga dinanas namin doon, halos hindi na namin nakayanan at nawalan na kami ng pag-asang mabuhay pa.

9Ang akala namin noon ay katapusan na namin. Ngunit nangyari ang lahat ng iyon upang matuto kami na huwag magtiwala sa aming sarili kundi sa Diyos na siyang bumubuhay ng mga patay.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.