16Pagkatapos, maipapangaral naman namin ang Magandang Balita sa iba pang mga lugar na malayo sa inyo. Sapagkat ayaw naming angkinin at ipagmalaki ang pinaghirapan ng iba.
17Gaya ng sinasabi sa Kasulatan, “Kung mayroong nais magmalaki, ang Panginoon na lang ang ipagmalaki niya.”
18Sapagkat hindi ang taong pumupuri sa kanyang sarili ang katanggap-tanggap, kundi ang taong pinupuri ng Panginoon.