2 Mga Taga-Corinto 10

Pagkatapos, maipapangaral naman namin ang Magandang Balita sa iba pang mga lugar na malayo sa inyo. Sapagkat ayaw naming angkinin at ipagmalaki ang pinaghirapan ng iba.

2 Corinthians 10:16 (UKJV) To preach the gospel in the regions beyond you, and not to boast in another man's line of things made ready to our hand.

14Kung hindi kami nakarating diyan, maaari nilang sabihing labis-labis ang aming pagmamalaki. Ngunit ang totoo, kami ang unang dumating sa inyo at nangaral ng Magandang Balita tungkol kay Kristo.

15Kaya hindi labis ang aming pagmamalaki dahil hindi namin inaangkin at ipinagmamalaki ang pinaghirapan ng iba. Sa halip, umaasa kaming sa paglago ninyo sa pananampalataya ay lalawak pa ang gawain namin sa inyo, ayon sa ipinapagawa sa amin ng Diyos.

16Pagkatapos, maipapangaral naman namin ang Magandang Balita sa iba pang mga lugar na malayo sa inyo. Sapagkat ayaw naming angkinin at ipagmalaki ang pinaghirapan ng iba.

17Gaya ng sinasabi sa Kasulatan, “Kung mayroong nais magmalaki, ang Panginoon na lang ang ipagmalaki niya.”

18Sapagkat hindi ang taong pumupuri sa kanyang sarili ang katanggap-tanggap, kundi ang taong pinupuri ng Panginoon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.