13Ngunit hindi kami nagmamalaki sa mga gawaing hindi na namin sakop, kundi sa mga gawain lamang na ibinigay sa amin ng Diyos, at kasama na rito ang gawain namin sa inyo.
14Kung hindi kami nakarating diyan, maaari nilang sabihing labis-labis ang aming pagmamalaki. Ngunit ang totoo, kami ang unang dumating sa inyo at nangaral ng Magandang Balita tungkol kay Kristo.
15Kaya hindi labis ang aming pagmamalaki dahil hindi namin inaangkin at ipinagmamalaki ang pinaghirapan ng iba. Sa halip, umaasa kaming sa paglago ninyo sa pananampalataya ay lalawak pa ang gawain namin sa inyo, ayon sa ipinapagawa sa amin ng Diyos.
16Pagkatapos, maipapangaral naman namin ang Magandang Balita sa iba pang mga lugar na malayo sa inyo. Sapagkat ayaw naming angkinin at ipagmalaki ang pinaghirapan ng iba.
17Gaya ng sinasabi sa Kasulatan, “Kung mayroong nais magmalaki, ang Panginoon na lang ang ipagmalaki niya.”