11Dapat malaman ng mga taong iyan na kung ano ang sinasabi namin sa aming sulat, iyon din ang gagawin namin kapag dumating na kami diyan.
12Hindi namin ibinibilang o ikinukumpara ang aming sarili sa mga ibang mataas ang tingin sa sarili. Mga hangal sila, dahil sinusukat nila at kinukumpara ang kani-kanilang sarili.
13Ngunit hindi kami nagmamalaki sa mga gawaing hindi na namin sakop, kundi sa mga gawain lamang na ibinigay sa amin ng Diyos, at kasama na rito ang gawain namin sa inyo.
14Kung hindi kami nakarating diyan, maaari nilang sabihing labis-labis ang aming pagmamalaki. Ngunit ang totoo, kami ang unang dumating sa inyo at nangaral ng Magandang Balita tungkol kay Kristo.
15Kaya hindi labis ang aming pagmamalaki dahil hindi namin inaangkin at ipinagmamalaki ang pinaghirapan ng iba. Sa halip, umaasa kaming sa paglago ninyo sa pananampalataya ay lalawak pa ang gawain namin sa inyo, ayon sa ipinapagawa sa amin ng Diyos.