2 Mga Taga-Corinto 10

Dapat malaman ng mga taong iyan na kung ano ang sinasabi namin sa aming sulat, iyon din ang gagawin namin kapag dumating na kami diyan.

2 Corinthians 10:11 (UKJV) Let such an one think this, that, such as we are in word by letters when we are absent, such will we be also in deed when we are present.

9Ayaw kong isipin ninyo na tinatakot ko kayo sa aking mga sulat.

10Sapagkat sinasabi ng iba, “Mabibigat at matitindi ang kanyang mga salitang isinulat, pero sa personal ay mahina siya at walang kuwenta ang mga sinasabi.”

11Dapat malaman ng mga taong iyan na kung ano ang sinasabi namin sa aming sulat, iyon din ang gagawin namin kapag dumating na kami diyan.

12Hindi namin ibinibilang o ikinukumpara ang aming sarili sa mga ibang mataas ang tingin sa sarili. Mga hangal sila, dahil sinusukat nila at kinukumpara ang kani-kanilang sarili.

13Ngunit hindi kami nagmamalaki sa mga gawaing hindi na namin sakop, kundi sa mga gawain lamang na ibinigay sa amin ng Diyos, at kasama na rito ang gawain namin sa inyo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.