2 Mga Taga-Corinto 10

Ayaw kong isipin ninyo na tinatakot ko kayo sa aking mga sulat.

2 Corinthians 10:9 (UKJV) That I may not seem as if I would terrify you by letters.

7Ang problema sa inyo, tumitingin lamang kayo sa panlabas na anyo. Isipin nga ninyong mabuti! Kung may nagtitiwalang siyaʼy kay Kristo, dapat niyang isipin na kami man ay kay Kristo rin.

8Kahit sabihing labis na ang pagmamalaki ko sa kapangyarihang ibinigay ng Panginoon sa akin, hindi ako nahihiya. Sapagkat ang kapangyarihang ito ay ginagamit ko sa pagpapalago ng inyong pananampalataya at hindi sa pagsira nito.

9Ayaw kong isipin ninyo na tinatakot ko kayo sa aking mga sulat.

10Sapagkat sinasabi ng iba, “Mabibigat at matitindi ang kanyang mga salitang isinulat, pero sa personal ay mahina siya at walang kuwenta ang mga sinasabi.”

11Dapat malaman ng mga taong iyan na kung ano ang sinasabi namin sa aming sulat, iyon din ang gagawin namin kapag dumating na kami diyan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.