2 Mga Taga-Corinto 10

Ang problema sa inyo, tumitingin lamang kayo sa panlabas na anyo. Isipin nga ninyong mabuti! Kung may nagtitiwalang siyaʼy kay Kristo, dapat niyang isipin na kami man ay kay Kristo rin.

2 Corinthians 10:7 (UKJV) Do all of you look on things after the outward appearance? If any man trust to himself that he is Christ's, let him of himself think this again, that, as he is Christ's, even so are we Christ's.

6At kung matiyak naming lubos na kayong masunurin, paparusahan na namin ang lahat ng suwail.

7Ang problema sa inyo, tumitingin lamang kayo sa panlabas na anyo. Isipin nga ninyong mabuti! Kung may nagtitiwalang siyaʼy kay Kristo, dapat niyang isipin na kami man ay kay Kristo rin.

8Kahit sabihing labis na ang pagmamalaki ko sa kapangyarihang ibinigay ng Panginoon sa akin, hindi ako nahihiya. Sapagkat ang kapangyarihang ito ay ginagamit ko sa pagpapalago ng inyong pananampalataya at hindi sa pagsira nito.

9Ayaw kong isipin ninyo na tinatakot ko kayo sa aking mga sulat.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.