4Sa halip, ang kapangyarihan ng Diyos ang aming sandata. Ito ang aming ginagamit na panlaban sa mga maling pangangatwiran ng mga taong mapagmataas at ayaw maniwala sa mga turo ng Diyos. Sinisira namin ang kanilang maling pangangatwirang tulad ng matibay na pader na humahadlang sa kanila na makilala ang Diyos. Binibihag namin ang bawat isipan upang sumunod sa mga utos ni Kristo.
6At kung matiyak naming lubos na kayong masunurin, paparusahan na namin ang lahat ng suwail.
7Ang problema sa inyo, tumitingin lamang kayo sa panlabas na anyo. Isipin nga ninyong mabuti! Kung may nagtitiwalang siyaʼy kay Kristo, dapat niyang isipin na kami man ay kay Kristo rin.
8Kahit sabihing labis na ang pagmamalaki ko sa kapangyarihang ibinigay ng Panginoon sa akin, hindi ako nahihiya. Sapagkat ang kapangyarihang ito ay ginagamit ko sa pagpapalago ng inyong pananampalataya at hindi sa pagsira nito.