2 Mga Taga-Corinto 10

Kung hindi kami nakarating diyan, maaari nilang sabihing labis-labis ang aming pagmamalaki. Ngunit ang totoo, kami ang unang dumating sa inyo at nangaral ng Magandang Balita tungkol kay Kristo.

2 Corinthians 10:14 (UKJV) For we stretch not ourselves beyond our measure, as though we reached not unto you: for we are come as far as to you also in preaching the gospel of Christ:

12Hindi namin ibinibilang o ikinukumpara ang aming sarili sa mga ibang mataas ang tingin sa sarili. Mga hangal sila, dahil sinusukat nila at kinukumpara ang kani-kanilang sarili.

13Ngunit hindi kami nagmamalaki sa mga gawaing hindi na namin sakop, kundi sa mga gawain lamang na ibinigay sa amin ng Diyos, at kasama na rito ang gawain namin sa inyo.

14Kung hindi kami nakarating diyan, maaari nilang sabihing labis-labis ang aming pagmamalaki. Ngunit ang totoo, kami ang unang dumating sa inyo at nangaral ng Magandang Balita tungkol kay Kristo.

15Kaya hindi labis ang aming pagmamalaki dahil hindi namin inaangkin at ipinagmamalaki ang pinaghirapan ng iba. Sa halip, umaasa kaming sa paglago ninyo sa pananampalataya ay lalawak pa ang gawain namin sa inyo, ayon sa ipinapagawa sa amin ng Diyos.

16Pagkatapos, maipapangaral naman namin ang Magandang Balita sa iba pang mga lugar na malayo sa inyo. Sapagkat ayaw naming angkinin at ipagmalaki ang pinaghirapan ng iba.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.