2 Mga Taga-Corinto 11

Subalit dahil sa marami diyan ang nagmamalaki tulad ng mga taong makamundo, magmamalaki rin ako.

2 Corinthians 11:18 (UKJV) Seeing that many glory after the flesh, I will glory also.

16Inuulit ko, huwag ninyong isiping isa akong hangal. Ngunit kung ganyan ang tingin ninyo sa akin, hindi na bale, basta hayaan ninyo akong magmalaki nang kahit kaunti.

17Kung sa bagay, kung ipagmamalaki ko ang aking sarili, hindi ito galing sa Panginoon, at para akong hangal.

18Subalit dahil sa marami diyan ang nagmamalaki tulad ng mga taong makamundo, magmamalaki rin ako.

19Tuwang-tuwa pa kayo na nagtiyatiyaga sa mga hangal. Ang tatalino talaga ninyo!

20Sa katunayan, pinagtiyatiyagaan din ninyong alipinin kayo, agawan ng mga ari-arian, pagsamantalahan, pagmataasan, at hamakin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.