18Subalit dahil sa marami diyan ang nagmamalaki tulad ng mga taong makamundo, magmamalaki rin ako.
19Tuwang-tuwa pa kayo na nagtiyatiyaga sa mga hangal. Ang tatalino talaga ninyo!
20Sa katunayan, pinagtiyatiyagaan din ninyong alipinin kayo, agawan ng mga ari-arian, pagsamantalahan, pagmataasan, at hamakin.
21Nakakahiya mang amining mahihina kami, ngunit hindi namin kayang gawin ang mga iyan! Kung may magmamalaki diyan, magmamalaki rin ako, kahit na magmukha akong hangal sa sinasabi ko.
22Ipinagmamalaki ba nilang silaʼy mga Hudyo, mga Israelita, at kabilang sa lahi ni Abraham? Ako rin!