19Tuwang-tuwa pa kayo na nagtiyatiyaga sa mga hangal. Ang tatalino talaga ninyo!
20Sa katunayan, pinagtiyatiyagaan din ninyong alipinin kayo, agawan ng mga ari-arian, pagsamantalahan, pagmataasan, at hamakin.
21Nakakahiya mang amining mahihina kami, ngunit hindi namin kayang gawin ang mga iyan! Kung may magmamalaki diyan, magmamalaki rin ako, kahit na magmukha akong hangal sa sinasabi ko.
22Ipinagmamalaki ba nilang silaʼy mga Hudyo, mga Israelita, at kabilang sa lahi ni Abraham? Ako rin!
23Sila baʼy mga lingkod ni Kristo? Alam kong para na akong baliw sa sinasabi ko, ngunit bilang lingkod rin ni Kristo, mas higit pa ako kaysa sa kanila! Mas higit akong nagpakahirap; mas maraming beses akong nakulong, nahagupit ng mas malala pa, at paulit-ulit na nalagay sa bingit ng kamatayan.