2 Mga Taga-Corinto 11

Sila baʼy mga lingkod ni Kristo? Alam kong para na akong baliw sa sinasabi ko, ngunit bilang lingkod rin ni Kristo, mas higit pa ako kaysa sa kanila! Mas higit akong nagpakahirap; mas maraming beses akong nakulong, nahagupit ng mas malala pa, at paulit-ulit na nalagay sa bingit ng kamatayan.

2 Corinthians 11:23 (UKJV) Are they ministers of Christ? (I speak as a fool) I am more; in labours more abundant, in stripes above measure, in prisons more frequent, in deaths often.

21Nakakahiya mang amining mahihina kami, ngunit hindi namin kayang gawin ang mga iyan! Kung may magmamalaki diyan, magmamalaki rin ako, kahit na magmukha akong hangal sa sinasabi ko.

22Ipinagmamalaki ba nilang silaʼy mga Hudyo, mga Israelita, at kabilang sa lahi ni Abraham? Ako rin!

23Sila baʼy mga lingkod ni Kristo? Alam kong para na akong baliw sa sinasabi ko, ngunit bilang lingkod rin ni Kristo, mas higit pa ako kaysa sa kanila! Mas higit akong nagpakahirap; mas maraming beses akong nakulong, nahagupit ng mas malala pa, at paulit-ulit na nalagay sa bingit ng kamatayan.

24Limang beses akong tumanggap ng tatlumpuʼt siyam na hagupit sa kapwa ko mga Hudyo.

25Tatlong beses akong pinaghahampas ng mga pamalo; isang beses na pinagbabato. Tatlong beses kong naranasang lumubog ang sinasakyang barko, at minsaʼy nagpalutang-lutang ako sa dagat ng isang araw at gabi.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.