22Ipinagmamalaki ba nilang silaʼy mga Hudyo, mga Israelita, at kabilang sa lahi ni Abraham? Ako rin!
23Sila baʼy mga lingkod ni Kristo? Alam kong para na akong baliw sa sinasabi ko, ngunit bilang lingkod rin ni Kristo, mas higit pa ako kaysa sa kanila! Mas higit akong nagpakahirap; mas maraming beses akong nakulong, nahagupit ng mas malala pa, at paulit-ulit na nalagay sa bingit ng kamatayan.
24Limang beses akong tumanggap ng tatlumpuʼt siyam na hagupit sa kapwa ko mga Hudyo.
25Tatlong beses akong pinaghahampas ng mga pamalo; isang beses na pinagbabato. Tatlong beses kong naranasang lumubog ang sinasakyang barko, at minsaʼy nagpalutang-lutang ako sa dagat ng isang araw at gabi.
26Madalas akong maglakbay, at parating nalalagay sa mga panganib: sa pagtawid sa mga ilog, sa mga tulisan, sa kapwa ko mga Hudyo, sa mga Hentil, sa mga lungsod, sa mga ilang, sa dagat, at sa mga taong nagpapanggap na mga kapatid.