2 Mga Taga-Corinto 11

Nakadarama ako ng maka-diyos na pagseselos sa inyo, sapagkat tulad kayo ng isang dalagang birhen na ipinangako kong ipapakasal sa isang lalaki, si Kristo.

2 Corinthians 11:2 (UKJV) For I am jealous over you with godly jealousy: for I have espoused you to one husband, that I may present you as a chaste virgin to Christ.

1Ipagpaumanhin ninyo kung ngayon ay magsalita akong tulad ng isang hangal.

2Nakadarama ako ng maka-diyos na pagseselos sa inyo, sapagkat tulad kayo ng isang dalagang birhen na ipinangako kong ipapakasal sa isang lalaki, si Kristo.

3Ngunit nag-aalala akong baka malinlang kayo, tulad ni Eva na nalinlang ng ahas, at mawala ang inyong tapat at taos-pusong hangaring sumunod kay Kristo.

4Sapagkat madali kayong napapaniwala ng kahit sinong dumarating diyan na nangangaral ng ibang Hesus kaysa sa aming ipinangaral sa inyo. At tinatanggap ninyo ang ibang uri ng espiritu kaysa sa Espiritung tinanggap na ninyo. Pinapakinggan din ninyo ang magandang balita na iba kaysa sa pinaniwalaan na ninyo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.