2 Mga Taga-Corinto 11

Sapagkat madali kayong napapaniwala ng kahit sinong dumarating diyan na nangangaral ng ibang Hesus kaysa sa aming ipinangaral sa inyo. At tinatanggap ninyo ang ibang uri ng espiritu kaysa sa Espiritung tinanggap na ninyo. Pinapakinggan din ninyo ang magandang balita na iba kaysa sa pinaniwalaan na ninyo.

2 Corinthians 11:4 (UKJV) For if he that comes preaches another Jesus, whom we have not preached, or if all of you receive another spirit, which all of you have not received, or another gospel, which all of you have not accepted, all of you might well bear with him.

2Nakadarama ako ng maka-diyos na pagseselos sa inyo, sapagkat tulad kayo ng isang dalagang birhen na ipinangako kong ipapakasal sa isang lalaki, si Kristo.

3Ngunit nag-aalala akong baka malinlang kayo, tulad ni Eva na nalinlang ng ahas, at mawala ang inyong tapat at taos-pusong hangaring sumunod kay Kristo.

4Sapagkat madali kayong napapaniwala ng kahit sinong dumarating diyan na nangangaral ng ibang Hesus kaysa sa aming ipinangaral sa inyo. At tinatanggap ninyo ang ibang uri ng espiritu kaysa sa Espiritung tinanggap na ninyo. Pinapakinggan din ninyo ang magandang balita na iba kaysa sa pinaniwalaan na ninyo.

5Sa tingin ko, hindi naman ako nahuhuli sa mga “magagaling” na mga apostol na ʼyan.

6Maaaring hindi ako magaling magsalita ngunit hindi naman nagkukulang ng kaalaman. At iyan ay naipakita namin sa inyo sa lahat ng aming pagtuturo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.