3Ngunit nag-aalala akong baka malinlang kayo, tulad ni Eva na nalinlang ng ahas, at mawala ang inyong tapat at taos-pusong hangaring sumunod kay Kristo.
4Sapagkat madali kayong napapaniwala ng kahit sinong dumarating diyan na nangangaral ng ibang Hesus kaysa sa aming ipinangaral sa inyo. At tinatanggap ninyo ang ibang uri ng espiritu kaysa sa Espiritung tinanggap na ninyo. Pinapakinggan din ninyo ang magandang balita na iba kaysa sa pinaniwalaan na ninyo.
5Sa tingin ko, hindi naman ako nahuhuli sa mga “magagaling” na mga apostol na ʼyan.
6Maaaring hindi ako magaling magsalita ngunit hindi naman nagkukulang ng kaalaman. At iyan ay naipakita namin sa inyo sa lahat ng aming pagtuturo.
7Hindi ako humingi ng bayad nang ipangaral ko sa inyo ang Magandang Balita mula sa Diyos, kundi nagtrabaho ako upang matulungan ko kayo sa inyong buhay espirituwal. Masamá ba ang ginawa kong ito?